Ruffa Mae Quinto, Ipinasilip ang Napakagandang Bahay na Ipinapagawa sa Pilipinas Habang Siya’y nasa California

Hindi nga naging hadlang sa aktres at komedyanteng si Ruffa Mae Quinto ang pandemya at lockdown upang mapaayos ng ancestral house ng kanyang pamilya sa Pilipinas habang siya’y kasalukuyang namamalagi sa San Francisco, California kasama ang kanyang asawang si Trevor Magallanes at anak na si Athena Alexandria.



Ika-2 ng Setyembre, araw ng Miyerkules, nang masayang ibahagi ng actress-comedian sa kanyang mga tagahanga na malapit ng matapos ang pinapa-renovate niyang ancestral house sa Pilipinas na magiging tahanan ng kanyang pamilya balang-araw.

Sa Instagram, ay nagpost si Ruffa ng pasilip sa pinapagawang bahay sa Pilipinas.

“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag puwede ng umuwi”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on

Ayon pa nga kay Ruffa, kahit nagka-pandemic na’t lahat ay nagawa niya pa ring mapaayos ang bahay. Kaya naman, labis rin ang pasasalamat niya Diyos dahil sa kabila ng mga nararanasang pagsubok ay malapit nang matapos ang kanilang bahay.

“Imagine habang pandemic, nagpapagawa ako ng bahay, habang andito ako sa malayong lugar, sa America, andiyan ‘yang lock down. Stop, close, open, ECQ, MCQ, GCQ, etc… pero sa awa ng Diyos, patapos na ang bahay. Naitawid ang lahat.”

Hindi naman maikakaila ang kasipagan ni Ruffa Mae sa kanyang trabaho, at ang bahay nga na ito ay bunga ng kanyang sipag at tiyaga. Excited na ring umuwi ng Pinas ang aktres, ngunit dahil nga sa pandemya ay kinakailangan munang maghintay na bumalik sa ayos ang lahat.



Samantala, matatandaan naman sa isang panayam na ibinahagi ni Ruffa Mae na ang bahay kung saan dating nakatira ang kanyang lola, ay ang bahay na matatagpuan sa Cubao, Quezon City. Ang nasabing bahay naman, ay napunta sa pagmamay-ari ng kanyang Auntie ngunit nabili umano niya ito noong dekada 90, ang panahon ng kanyang kasikatan bilang si “Booba”.

Masayang-masaya naman si Ruffa Mae dahil sa kamay parin niya napunta ang bahay. Dito rin nanirahan ang kanyang ama noon, kung kaya’t labis niya itong pinapahalagahan.

“So it was sold back to me, parang binalik lang ni God itong house sa akin. I guess para sa amin talaga ito. Bound to happen kaya I will cherish this since daddy ko also lived here around 1969-1970.”

Pag-amin naman ng aktres, kung bakit hindi siya kaagad nagpagawa ng bahay, ito ay dahil umano wala pa siyang kasama sa buhay noon at matatawag na pamilya. At ngayon nga, na may katuwang na siya sa buhay at sariling pamilya, naisip na niyang magpagawa ng bahay upang maging tahanan nila ng kanyang pamilya kapag nakauwi na sila ng Pilipinas.

“I didn’t push sa house on my own because I felt alone. I told myself I will have my own house when I have my own family.”

Samantala, maliban naman sa pagmamay-aring bahay sa Pinas, ay balak rin ni Ruffa Mae na bumili ng sariling bahay sa California upang kanilang maging tirahan kapag sa naturang lugar naman sila namamalagi.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments