Aktor na si JC De Vera, Hands On Daddy na, Super Sweet pa sa Kanyang na Anak na si Baby Lana

Ang pagiging magulang nga ang makakapagpabago sa buhay na nakasanayan natin. Dahil kapag may anak na, matutuon na ang atensyon natin sa kanila upang alagaan at gabayan sila.



Marami ng celebrity parents ang nagbahagi ng kanilang journey sa pag-aalaga at bonding moments nila ng kanilang mga anak. Maliban rin sa hinahangaang physical features na namana ng mga anak ng artista sa kanilang mga magulang, isa rin sa hinahangaan ng publiko sa mga artista ay ang pagiging hands on parents nila.

Photo credits: Jc de Vera | Instagram 

Sa kabila nga ng kanilang busy schedule sa kanilang trabaho, o kaya naman ay sa kanilang pinagkakakitaan at pinagkakaabalahan, naglalaan pa rin sila ng oras sa kanilang mga anak upang maalagaan at makabonding ang mga ito.

Katulad na lamang ng aktor na si JC De Vera na laging kaagapay at kasama ng kanyang anak. Kamakailan nga, ay naispatan ang pagiging hands on Daddy at ka-sweetan ng Kapamilya actor sa anak niyang si Baby Lana. Ito nga ay matapos magbahagi ang aktor ng sweet video clip nilang mag-ama sa Instagram na kinagiliwan ng mga netizens.

Photo credits: Jc de Vera | Instagram

Makikita sa video na marahang at maingat na sinusuklay ni JC ang buhok ng anak niyang si Baby Lana. Biro pa nga ng aktor, nagpalaki at nagpapaganda umano siya ng katawan upang magsuklay lamang ng buhok ng kanyang anak.

“Haha. Nagpapa ganda ako ng katawan para magsuklay ng buhok ni Lana 🤪,”

caption ng aktor sa kanyang post.

Photo credits: Jc de Vera | Instagram

Si Baby Lana ay anak ng aktor sa kanyang partner na si Rikkah. Ang cute na batang si Lana Athena ay ipinanganak noong May 2019 at magmula ng dumating si Baby Lana sa buhay nila ay malaki ang nabago. Sa bawat ngiti at nakakahawang tawa nga ni Baby Lana, ay napapawi ang anumang pagod at suliranin nina JC. Napakamasayahing bata si Baby Lana kaya naman binansagan nila itong “Lana Bungisngis.

Photo credits: Jc de Vera | Instagram

Hindi naman matatawaran ang saya ng kanilang pamilya sa pagdating si Baby Lana, at madalas ngang makita na magbonding silang pamilya na mas lalo namang nagpapatibay ng samahan nina JC at Rikkah bilang mga magulang ni Baby Lana.



Photo credits: Jc de Vera | Instagram

Isang malaking patunay nga si JC ng pagiging isang mapagmahal na ama at responsableng magulang sa kanyang anak. Tunay nga na masaya at kontento na ang aktor sa buhay bilang isang magulang ng kanyang anak at isang pamilyadong tao na hindi nagsasawang ipakita ang pagmamahal sa kanyang pamilya.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments