‘The relationship is very real for me’: KC Concepcion, Binalikan ang Naging Relasyon nila ng Aktor na si Piolo Pascual

Taong 2009 nang maging sikat ang tambalan ng aktres na si KC Concepcion at Piolo Pascual sa teleserye ng ABS-CBN na “Lovers in Paris”. Maraming manonood ang kinilig sa kanilang tambalan na talaga namang masasabi na maganda ang kanilang chemistry sa isa’t isa.




Hindi nga nagtagal, ang kanilang pagtitinginan sa teleserye ay nauwi sa totoong buhay at noong 2010 nga nang inanunsyo ng aktor na si Piolo na may relasyon na sila ng aktres. Ngunit, ang kanilang “on and off relationship” ay tuluyang nagwakas matapos ang isang taon. Ang kanilang break up ay inanunsyo naman ni KC sa publiko sa pamamagitan ng programang The Buzz noong 2011.

Photo credits: google.com 

Samantala, kamakailan lamang, araw ng Lunes, August 31, sa isang panayam sa live Instagram video kasama si G3 San Diego, muling binalikan ni KC ang masaya at hindi makakalimutang relasyon niya kay Piolo. Dito nga, masaya niyang ibinahagi ang kwento ng naging relasyon niya sa aktor.

Ayon nga kay KC bago pa man magkasama sa teleserye, ay nagkakilala muna sila matapos nitong bumisita sa set ng pelikula kung saan nakasama ng aktres si Richard Gutierrez. Noong una nga raw ay hindi pa niya kilala si Piolo ngunit dahil kay Direk Joyce ay nakilala niya ang aktor. Hindi naman ito ang beses na nakita niya ang acktor sa mga showbiz gathering, ngunit kahit umano nakikita niya ito ay wala siyang ideya kung sino si Piolo Pascual.

Photo credits: google.com

Dahil dito, alam umano ni KC sa sarili niya na totoo ang kanyang nararamdamang pag-ibig sa aktor.

“That was very real for me and that was my first announced relationship.”

Samantala, maging ang nakakakilig na pag-anunsyo ng aktor sa publiko ay masaya ring ibinahagi ng aktres.

“And I was a host on that show, and when he got to that show, he’s going to promote his music album. So nagulat ako noong tinanong siya ‘na is it true na may inspirasyon ka na?’ Sobrang sweet pa ng pagkakasabi niya, kasi na parang I was stunned and I didn’t realize that we were still trying.”

Nauwi man sa hiwalayan, masasabi naman na naging maayos ang kanilang paghihiwalay. Ayon pa nga kay KC, ay nananatili silang civil sa isa’t isa. Hindi man maituturing na matalik na magkaibigan, pinuri naman ni KC ang pagiging mabuting tao ng aktor.

“It was very real for me. PJ is a wonderful guy until today.”

Photo credits: google.com




Matatandaan naman na naging kontrobersyal ang kanilang relasyon dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad sa isa’t isa, na may 10 taong gap. At ito nga, ay nilinaw rin ni KC sa kanyang panayam.

“May pinagsamahan kami. He was like 10 years older than me but you know, he started out like a kuya to me. So I know exactly what people loved about him and people know naman na that’s very real for me and I was so young and naive.”

Samantala, ayon naman sa kwento ni KC ay hindi agad naging madali sa kanya ang maka-move on. Dahil nga, may mga proyekto silang ginagawang magkasama kaya’t hindi maiwasan ang kanilang pag-uusap at pagkikita. Ngunit, hindi naman nagtagal ay nakasanayan na niya ang sitwasyon hanggang sa tuluyan na siyang naka-move on.

Photo credits: google.com

“I just want to be honest and share my life in a way as authentic as possible. The break up could have been worse. I think in any break up with two people that really love each other I think it’s a very tough situation for friends it’s always a tough situation for friends and for people around.”

Sa kabila naman ng pinagdaanan ng kanilang relasyon, ay wala umanong pinagsisihan si KC, sa halip ay nanghihinayang pa siya sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

“I regret that we have to end. I think that in any relationship you really have faith in it right? And you go into it not thinking that you wanna end it. You go thinking that, you want it.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments