Bugoy Carino, Pamilyado na! Masayang Nagdiwang ng Kanyang Kaarawan Kasama ang kanyang Girlfriend at Anak

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng aktor na si Bugoy Carino, ay ang pagsisiwalat niya sa publiko na siya’y pamilyado na at masayang namumuhay kasama ang kanyang girlfriend at anak.
Matatandaan na dalawang taon na ang nakakalipas nang mapabalita ang mainit na isyu, na nabuntis umano ng batang aktor na si Bugoy ang girlfriend nitong si Ennajie ‘EJ’ Laure, na isang volleyball player. Ito nga ay mariing itinanggi ni Bugoy noong March 2018, sa edad na 15 taong gulang, at si EJ naman ay 20 taong gulang noon.




Ngunit, tila handa ng isiwalat ni Bugoy ang katotohanan sa publiko matapos nitong magbahagi ng larawan sa kasama ang kanyang girlfriend na si EJ at napakacute na anak na si Baby Scarlet.

Photo credits: ennajielaure | Instagram

Ika-3 ng Setyembre, araw ng Huwebes, hindi na nga nagdalawang isip pa si Bugoy na isiwalat sa publiko ang inilihim niya ng dalawang taon sa mismong kaarawan niya. Sa Twitter, ay masayang ibinahagi ng aktor kung gaano siya kasaya sa pagkakaroon ng isang mapagmahal na pamilya. Kalakip nga nito ay larawan nilang tatlo habang ipinagdiriwang ang 18th birthday ng aktor.

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!”
Samantala, ang volleyball player namang girlfriend ni Bugoy na si EJ, ay nagpaabot rin ng pagbati sa Twitter. At bilang pagbati sa kaarawan ng nobyo, ay gumawa siya ng video compilation ng masasaya nilang sandali kasama ang kanilang anak na si Baby Scarlet.




“Happy birthday, Mahal, thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby Scarlet! We love you so much, daddy!”

Photo credits: ennajielaure | Instagram

Matatandaan naman na maging ang dating captain ng UST Golden Tigresses na si EJ, ay inilihim ang kanyang pagbubuntis sa publiko at ang ginawang rason sa biglaang pagtigil sa laro ay nais umano nitong ipahinga ang na-injured na balikat.

Marahil, ay naghihintay lamang ng tamang pagkakataon sina Bugoy at EJ, upang isiwalat sa publiko ang pagkakaroon nila ng anak. At ang nakita nga nilang tamang pagkakataon ay ang pagdiriwang ng 18th birthday ni Bugoy.

Photo credits: ennajielaure | Instagram

Una nating nasilayan si Bugoy noong 2009 sa reality talent show na Star Circle Quest, kung saan ay siya ang itinanghal na grand winner ng kompetisyon. Matapos nga ng kompetisyon ay naging bahagi naman siya ng children gag show na Goin’ Bulilit. Dito na nga nagsimulang umarangkada ang karera ng batang aktor kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments