Isa sa hinahangaang personalidad sa industriya ng showbiz ay ang aktor at politician na si Richard Gomez. Isa nga siya ngayong huwarang Mayor ng Ormoc City na patuloy na naglilingkod ng may puso sa kanyang nasasakupan. Ngunit, maliban sa pagigiging abala sa kanyang tungkulin bilang isang Mayor, naglalaan rin siya ng oras sa kanyang napakalawak na organic farm na matatagpuan sa kanilang tahanan sa bayan ng Ormoc.
Punong-puno nga sa dami ng mga pananim na gulay at prutas ang nasabing farm ng Mayor. May mga alagang hayop ring makikita sa kanyang farm. Ngunit, maliban sa mga ito, ay ipinagmamalaki rin ng Mayor ng Ormoc ang kanyang Honeybee Farm na makikita sa mismong bakuran ng kanilang tahanan.
Sa latest vlog ni Mayor Richard na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ibinahagi niya ang proseso kung paano magharvest ng honeybee.
“We have beehives here. The bees are very active now kasi maganda ‘yung araw. It’s summer and the bees are working. Itong honey na ‘to, galing ‘to dito sa mga beehives ko.”
Ang “Precious Honey”, na kanilang nahaharvest sa kanilang honeybee farm ay ginagawang panregalo ng asawa niyang si Lucy Torres Gomez sa kanilang mga kaibigan at kakilala na talaga namang nagustuhan ng mga ito dahil purong honey at napakamasustansiya pa.
Sa tulong ng kanyang mga beekeeper na sina Maricris at Gerhard, ipinakita isa-isa ng Mayor ang paraan at proseso kung pano gawin ang pag-extract ng honey. At ang unang paraan na ginawa ni Gerhard ay gumamit ng smoker sa pagkuha ng honeycomb upang huwag magambala at maging agrisibo ang mga bees. Sumunod naman rito ang pag-auncap bilang paghahanda sa pag-eextract kung saan gamit ang centrifugal extractor upang hindi masira at maging buo pa rin ang mga honeycombs.
Matapos naman ito, ay isang proseso naman ang ginawa upang malaman kung puro o kung may water content ang honey. Dito nga ay gumamit naman ng isang honey refractometer. Bago naman tuluyang ilagay sa mga nakahandang sterelized bottle, ay tiniyak na wala na itong halong impurities mula sa mga honeycomb sa pamamagitan ng pagsasala.
Marami man ang ginawang proseso makikita naman na talagang puro at masustansiya ang finish product na honey ni Mayor Richard. Ipinakita nga niya sa huling bahagi ng video ang finish product na nakasilid sa gift box ni Lucy, na mismong maybahay ng Mayor ang gumawa at nadisenyo. Nasa loob naman ng naturang gift box ay isang sweet note para sa kanilang pagbibigyan ng regalong honeybee.
“On a sweet note, between two people in love, HONEY is a favorite term of endearment, maybe because honey never spoils or goes rancid. Perhaps its acidity, its lack of water and the presence of hydrogen peroxide work synergistically in perfect harmony, allowing this naturally sweet, sticky treat to last forever.”
Source: Ptama
0 Comments