Dating Aktor na si John Regala, Nais Bumalik sa Showbiz Para May Hanapbuhay Upang Matustusan ang Sarili sa Kabila ng kanyang Kalagayan

Sadyang mapaglaro nga ang tadhana dahil ang mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari sa ating buhay ay nagaganap sa hindi inaasahang pagkakataon.




Katulad na lamang ng nangyari sa buhay ng dating aktor na si John Regala na noon nga ay sikat at namamayapag ang karera bilang artista sa showbiz ngunit ngayon nga ay may matinding pagsubok na kinakaharap sa buhay. Isa ngang mahalagang leksyon sa buhay ang natutunan ng dating aktor matapos niyang magkaroon ng malubhang karamdaman. Ngayon nga, dinaramdam ng dating aktor ang sakit sa atay o ang tinatawag na liver cirrhosis.

Ngunit, dagdag sa pasanin ng dating aktor ang nararamdamang kirot sa kanyang dibdib dahil ang mga taong mahalaga sa kanya ay iniwan na siya matapos mawala ang lahat sa kanya. Ang kanya ngang mga itinuring at inalagaang mga anak noon, ngayon nga ay hindi man lang siya madalaw at tila kinalimutan na siya.

“Ganun pala ang buhay, pag wala ka nang pera, kahit may mabuti kang nagawa, wala na rin silang paggalang sa tao,” saad ng aktor.

Halos wala na ring natirang kamag-anak si John dahil magmula ng pumanaw ang kanyang inang si Ruby Regala noong January 2020, ay itinakwil na siya ng kanyang mga kamag-anak dahil umano sa walang-wala na siya ngayon.

Samantala, ang dinaranas na sakit ngayon ni John ay napatingnan na sa doktor ngunit matapos nga ang kanyang check up ay hindi na nagpa-confine pa ang aktor dahil sa kumakalat na sakit na COVID-19. Ayon nga sa aktor, ay ayaw niyang mapahamak ang buhay niya dahil sa COVID-19.

Sa kabila naman ng matinding pagsubok na nararanasan ni John, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang dating aktor na muling makabangon. Ayon nga rito, ay kapag gumaling siya sa karamdaman niya ay nais niyang bumalik sa showbiz upang may hanapbuhay siya para matustusan niya ang kanyang sarili.

“Gusto ko makabalik, yung makapaghanapbuhay. Hindi ako sanay na nanghihingi. Nakakahiya yung manghihingi ka. Sanay akong tumulong noon.”




Hindi naman maikakaila na malaki talaga ang naging epekto kay John sa nangyayari sa buhay niya ngayon, kaya naman, nais ring magbalik-loob ng aktor sa Diyos. At isa rin sa natutunan ng aktor ay ang mahalin ang kanyang sarili.

Samantala, matapos mag-viral ang larawan ni John Regala sa social media, marami sa mga personalidad sa showbiz ang naantig ang puso sa kalunos-lunos na kalagayan nito. At ang ilan nga sa mga personalidad sa showbiz ang nagpaabot ng tulong pinansyal at medical assistance sa aktor na talaga namang labis na ipinagpasalamat nito.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments