Silipin ang Nakakatuwang Reaksyon ni Liza Soberano sa kanyang ‘Trending Budots Dance Video’ Matapos Maitampok sa kanyang First Vlog

Patok na patok nga ngayon ang mga nakakaaliw at nakakatuwang vlog sa social media. Ito nga ang nagsisilbing libangan ng mga netizens upang mapawi ang kanilang pagkabagot habang nananatili sa loob ng kanilang tahanan.

Marami na nga sa mga sikat na artista ang pinasok ang mundo ng vlogging upang maghatid ng kaligayahan sa kanilang mga tagahanga. Ito na rin ang nagsisilbi nilang paraan upang magbigay ng updates sa mga kaganapan sa kanilang buhay.




Kabilang na nga rito ang sikat na aktres na si Liza Soberano na gumawa na rin ng sariling YouTube Channel para sa kanyang vlog kung saan mapapanood ang mga masasaya at mahahalagang kaganapan sa buhay niya. At kamakailan lamang nang i-launch ang bago niyang YouTube Channel na pinangalanan niyang “Life With Liza”.

Photo credits: Liza Soberano | Youtube Channel

Sa kauna-unahang vlog ni Liza, tampok ang mga katanungan ng kanyang mga tagahanga patungkol sa kanya upang higit pa siyang makilala. Ito nga ang vlog na pinamagatan niyang “Liza Answers Your Question”.

Marami nga sa kanyang mga tagahanga ang nagbigay ng katanungan. At sa mga katanungan ngang ito, nabunyag ang hilig at ilan sa mga sikreto ni Liza. Nabunyag nga na malaki pala ang pagkahilig ni Liza sa mga K-Pop matapos niyang magbanggit ng mga pangalan ng kilalang Korean superstars. Maging ang pagkahilig ni Liza sa k-drama ay nalaman rin ng kanyang mga tagahanga at nagbigay pa ang aktres ng mga k-drama na napanood na niya. At ilan nga sa mga paborito niyang k-drama ay Itaewon Class,Hotel del Luna, Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo at Boys Over Flowers.

Nabuking rin ang pagiging showy ni Enrique sa kanilang dalawa. Ayon kay Liza, ay mas malambing ito kaysa sa kanya at madalas magsabi ng ‘I love you’, ngunit sa kabila nito ay mahal na mahal umano ni Liza ang nobyo at mas pinaparamdam niya ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng kilos.




“He is more showy and affectionate than I am but he knows I love him. I just show my love through actions not words.”

May nakakakilig ring tagpo sa first vlog ni Liza nang madako ang katanungan kung good kissser ang aktres sa rate na 1-10 at mismong si Enrique pa ang sumagot sa harap ng kamera kung saan ay nag-rate ng 10. Talaga namang sweetness overload ang pagsasama ng magkasintahan.

Photo credits: Liza Soberano | Youtube Channel

Samantala, may isang tagahanga naman ni Liza ang nagtanong kung naaalala pa ba ng aktres ang kanyang trending budots dance video. Matapos nga mapanood ang video ay hindi mapigilan ni Liza ang matawa. Makikita kasi sa video na todo ang indak ni Liza habang pinapatugtog ang budots. Ayon nga kay Liza, ay ito ang pinakanakakahiyang video na mayroon siya sa Twitter.

Photo credits: Liza Soberano | Youtube Channel 

Ibinunyag rin ng aktres ang kanyang hilig sa pagkain ng sinigang. Maging ang mga paborito niya rapper ay inilahad rin ni Liza tulad nina Min Yoongi, Eminem at sa local rapper naman ay si Andrew E. At noong nasa highschool umano siya ay kumakanta siya ng “Banyo Queen”. Hindi nakapagtataka na talagang maraming talentong natatago ang aktres.

Photo credits: Liza Soberano | Youtube Channel

Sa first vlog ngang ito ni Liza ay higit siyang nakilala ng kanyang mga tagahanga. Ang mga hilig at ilang sikreto niya ay nabunyag nga sa video. Tiyak naman na marami sa kanyang mga tagahanga ang ngayon pa lang ay nakaabang na sa next vlog ng aktres.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments