Kapuso Star Gabbi Garcia, Inilibot ang kanyang mga Tagahanga sa kanyang Tropical Glam Home

Marami nga sa atin ang naghahangad na magkaroon ng magandang tahanan. Ngunit, sa maraming kadahilanan ay hindi natin agad ito nakakamit. Kung kaya’t kumukuha na lamang tayo ng inspirasyon sa mga artista sa tuwing ipinapasilip ang kanilang mga naggagandahang tahanan na bunga ng kanilang pagsisikap.

Isa na naman ngang inspirasyon ang hatid ng Kapuso Star na si Gabbi Garcia matapos ipasilip ang kanyang napakagandang tahanan na may tropical glam na disenyo.




Sa kanyang vlog nga, tampok ang house tour niya sa kanyang napakagandang tahanan. Dahil nga, marami sa kanyang mga tagahanga ang humihiling na magkaroon siya ng house tour ay malugod niyang pinagbigyan ang mga ito.

Inilibot nga ni Gabbi ang kanyang mga tagahanga sa kanyang napakagandang bahay. Sa labas pa lang ng tahanan ay sasalubong na ang ganda nito dahil sa mga luntian at naggagandahang halamang nakatanim sa kanilang mini garden. Ang ganda naman tlaga ng mini garden nina Gabbi at sinamahan pa ito ng isang fountain na nakapwesto sa gilid.

Sa pagpasok naman sa loob ng tahanan ay sasalubong na agad ang malamig sa matang kulay at disenyo ng bahay. Ito nga ang tropical glam themed house ni Gabbi na kung saan ay binalanse ang kulay at disenyo upang maging kaaya-ayang pagmasdan.

Sa foyer pa lang ay makikita na ang lawak at kaayusan ng kanilang tahanan. Sasalubong nga agad ang isang blush shell-shaped chair na dinisenyo ni Donna Rivera. Kapansin-pansin rin ang mga cabinet na may gold line design na makikita sa area, at isa nga sa cabinet ay naglalaman ng mga awards ng aktres.

Malaki naman ang pagkahilig ni Gabbi at kanyang ina sa mga bulaklak mapa-fresh o dried flowers man, ngunit napakahirap umanong i-maintain nito kaya naman, mas pinili nilang maglagay na lang ng artificial o fake flowers upang mas lalong maging maganda ang area. At ang bawat sulok nga ng tahanan ay napapalamutian ng mga bulaklak.

Pagdating naman dining area ay napakaespesyal dahil para nga kay Gabbi, ito ang main parts ng kanilang tahanan. Kaya naman, talagang pinag-isipan niya ang magiging disenyo ng area. Ang dining table nga ay talagang pinag-ipunan pa nila kung saan ay nabili nila sa Fashion Interiors na matatagpuan sa Pasong Tamo. May cabinet rin sa area kung saan nakatago ang kanilang koleksyon ng mga plato, tasa at baso.

Naglaan rin ng espasyo ang aktres para sa bar area. Dahil nga, marami siyang kaibigan, nais niya na sa tuwing bumibisita ang mga ito ay maentertain niya sa bar area.




Ang living area naman ay may kahanga-hanga ring disenyo. Makikita nga rito ang isang sofa, coffee table at ilang kagamitan na talaga namang napakagnada ng pagkakaayos. Hindi rin siyempre mawawala ang paboritong dried flowers ng aktres na dagdag sa ganda ng living area.

Photo credits: Gabby Garcia | Youtube Channel

Sa powder room naman ay sasalubong ang magandang disenyo ng wallpaper. May mga gold designs pa ring masisilayan kahit sa loob ng banyo at may makikita pa ring dried flowers. Kahanga-hanga rin ang ceiling ng naturang silid kung saan nakasabit ang isang chandelier.

Ang nais namang gawin ni Gabbi sa hallway ng bahay ay lagyan ng mga larawan ng kanyang mga pamilya na mula sa kanilang travels o kaya naman ay mga mahahalagang kaganapan sa buhay nila ng magkakasama. May angel wings rin na makikita sa hallway kung saan ay may kahanga-hangang disenyo. Tiyak namanh marami ang matutuwa sa mga fans ni “Alena”, dahil may katulad na wangis ng Alena’s sword na nakadisplay rin sa hallway.

Ibinahagi rin ng aktres ang silid ng breakfast nook na ngayon nga ay nagsisilbing music room ng kanyang kapatid. Dito nga makikita ang ilang instrumento sa musika katulad na lamang ng drumset.

Ang Dad’s Man cave naman na personal space na kanyang ama ay naglalaman ng mga paboritong big bikes at ilang kagamitan nito. May ilang memorabilia rin na bigay umano ng ina ni Gabbi sa kanyang ama. At may makikita ring manekin ng isang sundalo sa silid. Mayroon rin itong secret passage kung saan matatagpuan ang silid ng kanyang ama na may iba’t ibang koleksyon.

Photo credits: Gabbi Garcia | Youtube Channel

Sa ikalawang palapag naman makikita ang music studio kanyang ate at walk in closet ni Gabbi. Sa music studio nga makikita ang iba’t ibang klaseng gitara na ginagamit ng kanyang ate. May drumset ring makikita sa silid at editing area kung saan gumagawa ng kanta ang kanyang ate.




Ang bedrooms at master’s bedroom ay matatagpuan naman sa groundfloor ngunit sa pagkakataong ito ay hindi pa ipinakita ng aktres dahil under renovation pa ang ilang silid. Ang kanyang walk in closet naman, ay hindi rin nasilayan dahil magkakaroon si Gabbi ng hiwalay na vlog para dito.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments