Dating Child Star na si Xyriel Manabat, Dalagang-dalaga na! Pinahanga ang mga Netizens sa kanyang Ganda

Sino ba ang hindi maaaliw sa fantaserye na “Momay”, na pinagbidahan ng bibong bata na si Xyriel Manabat? Ang karakter nga ni Xyriel bilang Momay ay tumatak sa ating mga puso’t isipan dahil sa kanyang mahusay na pagganap. Matatandaan rin na gumanap si Xyriel sa teleseryeng “100 Days to Heaven” bilang batang Anna Manalastas, na ginampanan naman ng beteranang aktres na si Coney Reyes.

Unang nakilala si Xyriel ng publiko matapos magwagi bilang 3rd Runner up sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol. Dahil nga sa talento at ka-cutan ng batang Xyriel ay agad siyang napansin ng publiko.



Dito na nga, nagsimulang bumuhos ang napakaraming proyekto sa karera ng batang aktres. Pinamalas nga ni Xyriel ang kanyang natatanging galing sa pag-arte kung kaya’t nagkamit siya ng mga parangal. Isa na nga rito ang Best Child Actress sa “A Mother’s Story” na iginawad noong 60th FAMAS Awards.

Tila kaybilis naman ng paglipas ng panahon, dahil matagal nang hindi nasilayan ang dating childstar sa telebisyon, marami ang nagulat matapos masilayan ang kanyang larawan ngayon sa social media kung saan makikita na dalagang-dalaga na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_) on

Ngayon nga, ay 16 taong gulang na si Xyriel at hindi maikakaila ang malaking pagbabago sa pisikal niyang anyo. Kung ang batang Xyriel noon, ay may napakacute at inosenteng mukha, ngayon nga ay napakagandang dilag na ang ating masisilayan.

Sa mga larawang ibinahagi nga kamakailan ni Xyriel sa kanyang Instagram, hindi napigilan ng kanyang mga tagahanga na humanga sa napakaganda niyang mukha. May ilan nga sa tagahanga ng dating childstar ang nagbigay ng komento na “Dalaga na si Momay!”



Usap-usapan nga ngayon si Xyriel sa social media matapos mapansin ang malaking pagbabago sa kanyang katauhan. Dahil nga, ang talentado at cute na bata noon, ay hindi maikakaila na ganap ng dalaga ngayon na kung saan ay mahilig sa fashion na talagang bagay na bagay sa kanya.

Samantala, huli nating napanood si Xyriel noong 2017 sa teleseryeng pinagbibidahan ng aktres na si Maja Salvador na Wildflower kung saan gumanap siya bilang batang Ivy Aguas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_) on


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments