“The Phenom” Volleyball Star Allysa Valdez, Sinurpresa ang mga Magulang ng Isang Brand New Car

Bilang isang anak ay mahalaga na masuklian ang pagsusumikap at sakripisyo ng ating mga magulang sa pagpapalaki sa atin. Hindi biro ang magpalaki ng anak, kaya naman bilang ganti ay nararapat lamang na mabigyan natin sila ng bagay na makakapagpasaya sa kanila.




Katulad na lamang ng ginawa ng binansagang “The Phenom” Volleyball star na si Alyssa Valdez sa kanyang mga magulang na matapos ang pagsusumikap ng mga ito para maitaguyod siya, ay siya naman ngayon ang nagbigay ng kaligayahan sa kanyang mga magulang.

Photo credits: Official Alyssa Valdez | Youtube Channel  

Malaki nga ang hirap at sakripisyo ng mga magulang ni Alyssa maibigay lamang ang mga pangangailangan niya noong nag-aaral siya. Naging mabuting anak naman si Alyssa at sinuklian niya ang mga ito ng kanyang kasipagan sa pag-aaral. Ngunit, hindi lamang sa akademya nangibabaw si Alyssa kundi maging sa sports rin.

Photo credits: Official Alyssa Valdez | Youtube Channel

Highschool pa lang ay nakitaan na ng talento si Alyssa sa larong Volleyball kung saan unang nadiskubre sa University of Santo Tomas Junior High School. Ngunit, mas lalo niyang ipinamalas ang kanyang husay sa volleyball court pagtuntong niya ng kolehiyo kung saan ay mas pinili niya ang Ateneo Lady Eagles. Dito na nga siya nakilala ng maging kalahok ng UAAP at lumikha ng sariling pangalan hanggang sa bansagan siyang “The Phenom” dahil sa kanyang kahanga-hangang galing sa volleyball.

Photo credits: Official Alyssa Valdez | Youtube Channel

Namayagpag nga ang kanyang karera sa naturang larangan kung saan ay nagkamit siya ng mga parangal kagaya ng Season’s MVP, Best Server, at Best Scorer awards. Kaya naman, hindi nasayang ang pagsisikap ng kanyang magulang upang maitaguyod siya. At ngayon nga, ay panahon naman upang gantihan niya ang sakripisyo at paghihirap ng kanyang mga magulang.




Sa latest vlog nga ni Alyssa na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, tampok ang isang surpresa na inilaan niya para sa kanyang mga magulang upang gantihan ang kabutihan at sakripisyo ng mga ito sa kanya.

Photo credits: Official Alyssa Valdez | Youtube Channel

Isang plano nga ang ginawa ni Alyssa kung saan pumunta sila sa isang farm, ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang ay may nag-aantay palang espesyal na surpresa para sa mga ito. Ang espesyal na surpresa na ito ay isang brand new car na talagang ikinagulat ng kanyang mga magulang. Hindi nga halos makapaniwala ang mga magulang ni Alyssa sa surpresa ito ng kanilang anak. Abot langit nga ang kaligayahan at pasasalamat ng kanyang mga magulang sa biyayang ipinagkaloob ni Alyssa.

“Sa lahat ng sakripisyo nila para sa amin mga magkakapatid, gusto ko lang maipakita sa kanila kung gaano ko sila na-appreciate and mahal. Salamat, ‘Nay at ‘Tay. Para sa inyo ito.”

Talaga nga namang mahal na mahal ni Alyssa ang kanyang mga magulang dahil lahat ay gagawin niya mapaligaya lamang ang mga ito. Good job Alyssa, isa kang mabuting anak.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments