Hindi nga biro ang epektong hatid ng pandemya sa ating pamumuhay na dulot ng COVID19. Lahat nga halos ng sangay sa industriya ang nagdulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng bansa. Dahil nga sa pandemya, ay maraming kompanya ang nagsara na nagdulot naman ng kawalan ng trabaho ng karamihan.
Kaya naman, kanya-kanyang diskarte na lamang ang ginagawa ng karamihan sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay at may pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Kamakailan nga, ay marami ang pusong naantig, matapos mag-viral sa social media ang larawan ng isang private school teacher kung saan makikitang nagtitinda ng tinapay at iba pang pagkain habang hawak ang isang karatula na nagsasabing siya’y isang private school teacher na nawalan ng trabaho. Dahil nga sa pagsasara umano ng pinapasokang paaralan ay napilitang magtinda ang guro upang may mapagkakitaan.
Sa tulong nga ng netizen na si Karlo Ternona, na nagpost ng larawan ng guro social media, ay nahayag ang kwento ng nasabing guro. Ayon nga kay Karlo, ay kasalukuyan siyang nagpapakarga ng gasolina nang may biglang lumapit sa kanyang ginang at inalok siyang bumili ng paninda nito. At base sa dala-dala nitong karatula ay isa umano itong private school teacher. Kaya naman, hindi nag-alinlangan si Karlo na kausapin at tanungin ang guro kung anong nangyari rito. At napag-alaman nga na nawalan ito ng trabaho dahil sa pagsasara ng pinapasukang paaralan.
Narito ang detalye sa post ni Karlo:
“Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nagbebenta sa labas para makaraos. Going home from my friend’s house I decided to re-fill muna, while waiting for my change. Biglang lumapit sa ‘kin si Ma’am. She even called me ‘Anak, baka gusto mo bumili ng paninda ko. As I heard the word anak naalala ko bigla mga guro ko, mga pangalawang nanay natin sa eskwelahan. I asked, ‘What happened po sa inyo? Sabi n’ya, ‘Wala na ako trabaho kasi dahil sa pandemic’ as what it says sa hawak niya. I asked her permission kuhanan ko siya. Sana matulungan natin mga naging pangalawang magulang natin. Sila din tumulong satin matupad pangarap natin. Salute to all the teachers.”
Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nag bebenta sa labas para makaraos. Going home from…
Posted by Karlo Ternora on Saturday, 22 August 2020
Dahil nga, marami ang nahabag at naantig sa kalagayan ng guro ay agad nagviral sa social media ang post ni Karlo. Marami ring mga netizens ang hindi maikakaila ang respeto at pagmamahal sa mga guro, kung kaya’t hinangaan ng mga ito ang diskarte ng nasabing guro upang kumita ng pera matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Samantala, agad namang nakarating ang kalagayan ng guro sa aktres na si Isabelle Daza. Lingid sa kaalaman ng marami ay isa ring guro si Isabelle kung saan ay naging pre-school teacher. Siya nga ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Early Childhood Education sa De La Salle University. Kaya naman, naantig ang puso ni Isabelle at hindi pinalampas ang pagkakataong matulungan ito. Agosto 23, araw ng Linggo ay humingi ng tulong ang aktres sa mga netizens upang mahanap ito. Sa post nga ni Isabelle sa kanyang Instagram, makikita na nais mahanap ni Isabelle ang guro upang direktang magpaabot ng tulong.
Samantala, ayon naman sa update ni Karlo ay nakipag-ugnayan na ang GMA News sa kanya upang makapanayam ang nasabing guro. Tiyak na bubuhos ang maraming biyaya sa nasabing guro matapos nitong mapanood ng publiko.
Source: Ptama
0 Comments