Sa latest vlog na mapapanood sa Youtube Channel ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, ipinakita niya ang napakalawak at napakagandang rest house na matagal na nilang pangarap ng kanyang partner na si Architect Conrad Onglao.
Ang nakakamangha sa gandang bahay na ito nina Zsa Zsa ay matatagpuan sa sa Barangay Piis na matatagpuan sa Lucban, Quezon. Talaga namang mararamdaman ang masayang buhay probinsya sa tahanan nilang ito. Dahil bukod sa sariwang hangin, ay napakaganda rin ng tanawin dito at talagang makakapagpahinga at makakapag-relax ang sinumang dadalaw sa napakagandang lugar.
Ang napakagandang bahay ngang ito ay pinangalanan ni Zsa Zsa ng “Casa Esperanza”. Ito nga ay hango sa tunay na pangalan ni Zsa Zsa. Sa mga hindi nakakaalam, Esperanza ang ibinigay na pangalan sa Divine Diva ng kanyang mga magulang.
“To those of you who may not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right?”
Taong 2018, nang magdesisyon sina Zsa Zsa at partner nitong si Conrad na magtayo ng isang bahay sa bayan ng Lucban sa Quezon na matagal na nilang pangarap. Pinag-isipan at plinano ng mabuti ang bawat detalye ng kanilang magiging bahay. Mabuti na lamang at isang mahusay na architect ang partner ng Divine Diva na si Conrad. Hindi nakapagtataka ang napakagandang resulta ng disenyo ng kanilang tahanan.
“This has been a project of ours since March of this year. Architect Conrad has such a great vision for this place—I know… lucky me!! It’s super exciting to see a property develop. When we bought it, it was just untamed land but we relied more on our ‘gut feel’ about the place. We are grateful to build this dream project together…for us, and for our family.#buildingdreams”
Sa video ay malinaw na ipinakita ni Zsa Zsa ang “before and after” ng bahay, habang ginagawa at nang matapos na ito. Kitang-kita nga ang napakalaking pagbabago sa lugar, mula sa isang bakanteng lugar ngayon nga ay mala-paraiso na ito sa ganda.
Sa pagpasok palang ng tahanan ay sasalubong na agad ang isang small gravel walkway, ang daang maghahatid patungo sa malawak na pavilion. Kahanga-hanga naman ang napiling disenyo nina Zsa-Zsa na modern rustic design ng kanilang bahay. Ito nga ay gawa sa recycled yakal wood. Napakamodern naman ng disenyo ng glass wall at roofing na mas lalong nagbigay kagandahan sa bahay.
Nakakaakit naman at tila nag-aanyaya ang napakagandang swimming pool na kalapit lang ng pavilion. Ito nga ay may sukat na 5mx25m na talagang maghahatid ng saya sa sinumang maliligo rito. Makikita rin ang 3 casitas pinagawa ni Conrad.
Samantala, may lily pond ring makikita sa Casa Esperanza, ito nga ay hiling ni Zsa Zsa sa kanyang partner upang magkaroon ng magandang tanawin na punong-puno ng namumulaklak na lily. Nagpasadya naman si Conrad ng meditation house na gitnang bahagi ng lily pond kung saan ay mas lalong nagpaganda ng lugar.
Kahanga-hanga naman ang greenhouse nina Zsa Zsa sa laki at dami ng mga halamang makikita rito. Sa ngayon ay karamihang ferns ang nasa loob nito, ngunit nais umano ni Zsa Zsa na punuin ito ng koleksyong orchids. Nagpasadya rin sila ng isang mahabang lamesa sa green house na magsisilbing dining table. Napakasarap naman talagang kumain dito habang napapalibotan ng mga luntiang halaman.
Sa ngayon ay labas pa lamang ng Casa Esperanza ang ipinakita ni Zsa Zsa, ngunit nangako naman ito na sa susunod niyang vlog ay masisilayan na ang ganda ng loob ng Casa Esperanza.
Source: Ptama
0 Comments