Napakagandang Anak ni Sunshine Cruz na si Samantha, Masayang Nagdiwang ng kanyang 16th Birthday

Ang sexy-mom actress na si Sunshine Cruz ay isa sa may magandang mukha sa industriya ng showbiz. Kahanga-hanga naman talaga ang angking kagandahan ng aktres kaya naman, nabighani sa kanya ang aktor na si Cesar Montano. Ngunit, ang mga pagsubok na dumating sa kanilang pagsasama ay hindi nila nalampasan, at hindi nga nagtagal ay nauwi ito sa hiwalayan. Ang kanilang pagsasama naman ay nagbunga ng tatlong naggagandahang babeng anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.



Bagama’t, may tatlong dalagang anak na si Sunshine ay nananatili pa ring fit and sexy ang katawan nito. At sadyang napakaganda rin ng aktres na tila hindi tumatanda. Tila nga magkakapatid na lang silang mag-iina kung pagmamasdan kapag magkakasama. Parang kailan lang nga at ang mga anak ni Sunshine ay mga dalaga na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SAM CRUZ (@samcruzm) on


At noong August 24 nga, ang isa sa mga anak ni Sunshine na si Samantha Angeline ay masayang nagdiwang ng 16th Birthday. Sa pagdiriwang ng “sweet 16” ng dalaga ay nagkaroon ng isang Euphoria-themed birthday dinner kasama ang kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Bago naman sumapit ang kaarawan ni Samantha, ay nagkaroon rin ng isang birthday photoshoot na may Euphoria-themed sa loob ng kanilang tahanan dahil nga sa patuloy na umiiral na quarantine. Makikita naman na talagang napakaganda at dalagang-dalaga na ang anak na ito ni Sunshine sa mga kuha ng larawan.



Sa Instagram ni Samantha, ay masaya niyang ibinahagi ang photo at video teaser sa pagdiriwang ng kanyang 16th Birthday na kanyang inihanda para sa kanyang mga tagahanga. Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“1 week”.

Samantala, ang ina naman ni Samantha na si Sunshine ay nagpaabot ng pagbati sa anak. Sa Instagram ng aktres, ibinahagi niya ang kanyang sweet na mensahe para sa kaarawan ng anak.

“Happy 16th Birthday Sam! Time flies! Know that I am always here for you and I am very proud of you. I love you so much anak!”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Kapansin-pansin naman na kasama ni Sunshine at ng kanyang mga anak sa mga larawan ang boyfriend ng aktres na si Macky Mathay na isang businessman at half-brother ni Ara Mina. At sa espesyal na araw nga ng anak ni Sunshine ay pinatunayan nito na karapat-dapat itong tumayong ama sa mga anak ng aktres. Maliban nga, sa magandang relasyon ni Macky kay Sunshine, ay naging malapit na rin ito sa mga anak ng aktres.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments