Ilang buwan na nga tayong nananatili sa loob ng ating mga tahanan dahil sa ipinapatupad na quarantine ng gobyerno. Kaya naman, marami na sa atin ang naiinip at naghahanap ng mapaglilibangan. Sa loob nga ng mahabang panahong pananatili sa loob ng ating tahanan ay nakakapag-isip tayo ng mga bagay na maaari nating gawin upang maibsan ang pagkabagot.
Ang ilan nga ay nadidiskubre ang mga bagong hilig at interes na nagbibigay sa kanilang ng saya. Katulad na lamang ng aktres na si Julia Barretto, na nagkaroon ng everyday routine at nagkaroon rin ng mas maraming oras na ipagluto ang kanyang pamilya.
Matatandaan na noong nakaraang taon nang lumipat ang Kapamilya actress na si Julia sa sarili niyang tahanan na kung saan ay nagkaroon ng adjustment sa kanyang pamumuhay matapos inanunsyo ang lockdown noong nakaraang March.
Ayon nga kay Julia, ay nahihirapan pa siyang mag-adjust sa pamumuhay niya ngayon dahil nasanay na siyang palaging umaalis ng bahay upang magtungo sa trabaho. Kaya naman, ngayong lockdown at hindi makalabas ng tahanan ay nag-isip ang aktres ng maaari niyang pagkaabalahan upang maibsan ang kanyang pagkainip. At ito nga ay ang pagkakaroon niya ng everyday routine kung saan ay gumigising siya ng maaga upang marami siyang magawa. At dapat bago sumapit ng tanghali ay tapos na niyang gawin ang mga bagay-bagay.
At dahil rin sa lockdown, ay mas nagkaroon umano ng oras si Julia upang ipagluto ang kanyang pamilya. Sumubok umano siya ng iba’t ibang klaseng luto ngunit ang higit na nakahiligan niya ay ang pagluluto ng pasta. Pasta nga ang paboritong pagkain ng aktres. At ang isa raw sa madalas hilinging pasta ng kanyang ina ay ang creamy sausage pasta na madalas nilang ihanda sa tuwing may espesyal na okasyon.
“I’ve tried to cook a lot of things but I really, really love to make pasta. I can have pasta everyday. It’s my favorite food talaga. And meron akong ginawang pasta, it was creamy sausage pasta that I made for my mom na palagi talaga niyang hinihingi sa akin na gawin. So I usually do it pag gusto ko siya i-surprise or kapag may special occasion. Para hanap hanapin pa rin.”
View this post on Instagram
Samantala, ibinahagi naman ni Julia ang kanyang realization ngayong panahon ng quarantine. Ayon nga kay Julia, ay pahalagahan ang mga bagay na nagagawa natin sa araw-araw dahil hindi natin alam kung kailan darating ang araw na hindi na natin magagawa ang mga bagay na ito, katulad na lamang ngayong panahon ng pandemya. Mahalaga rin na bigyan natin ng oras ang ating mga kaibigan at mga mahal sa buhay, dahil sa gitna ng krisis, ay wala ng ibang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din.
“I think I’m not going to state just one thing, I think just overall it’s just to never take anything for granted. Because before the lockdown, ang dami pa nating nagagawa na hindi natin akalang it would be taken away from us, na hindi na pala natin ito magagawa in just a snap of a finger. So just to never take anything for granted, the simple things like being able to go to the grocery, go see a friend. Don’t take anything for granted kasi hindi mo alam kung kailan mawawala yun. Honestly, just be in constant communication with the people you care about is also important pala. Check up on them. Make sure that they are okay. Kasi tayo tayo lang din yung naghuhugutan ng lakas.”
Source: Ptama
0 Comments