‘You are the one I’ve waited for’: Joseph Marco, Natagpuan na nga ba ang Taong Magbibigay Saya at Kulay sa Buhay niya?

Tunay nga na napakahiwaga ng pag-ibig, dahil dito natin mararanasan ang saya at pait ng buhay. Minsan ay napakasaya at punong-puno ng pagmamahal ang nagiging relasyon sa ating iniibig, minsan naman ay puno ng kalungkutan.




Napakahirap ring matagpuan ang tamang taong magbibigay saya at kulay sa ating buhay dahil sa napakahirap magtiwala at magmahal ng labis.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram    

Ngunit, kamakailan lamang ay tila natagpuan na ng Kapamilya actor na si Joseph Marco ang taong magbibigay saya at kulay sa buhay niya. Marami nga ang naintriga sa buhay pag-ibig ng aktor matapos nitong magpost ng mga larawan kasama ang isang napakagandang babae. At makikita nga sa larawan na napakasweet nilang dalawa.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Kilakipan naman ito ng aktor ng isang napakasweet na caption na:

“You are the one I’ve waited for.”




Ang babae ngang kasama ni Joseph Marco sa larawan ay ang kanyang bagong girlfriend na isang Russian Model na talaga namang napakaganda at tila isa itong buhay na manika sa taglay na kagandahan. Siya nga si Dasha Romanova, ang bagong girlfriend na ipinagmamalaki at mahal na mahal ng aktor na si Joseph Marco.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Makikita nga sa mga post ng aktor na matagal na niyang hinihintay na dumating sa buhay niya ang kanyang girlfriend. Makikita rin na masayang-masaya sila sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Patunay na nga rito ang mga nag-uumapaw sa kasweetan nilang mga larawan na ibinabahagi ng aktor sa kanyang Instagram account.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Hindi naman maikakaila na bagay na bagay sila sa isa’t isa. Si Joseph ay napakagwapong aktor samantalang ang kanyang girlfriend naman ay napakaganda. Kaya naman, marami sa kanilang mga tagahanga ang suportado ang kanilang relasyon kung saan ay kinilig sa kanilang kasweetan at masaya sa relasyon nila.




Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Tila nga natagpuan na ng aktor ang babaeng magbibigay saya at kulay sa buhay niya na kaytagal niyang hinintay. Kaya naman, masayang-masaya ang aktor at labis rin niyang ipinagmamalaki ang kanyang girlfriend na mahal na mahal niya. Isa ngang napakagandang kwento ng fairytale na nabigyang buhay, at ang tanging aabangan na lang ay ang kanilang happy ending love story.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments