Vhong Navarro, Ipinasilip ang kanyang Walk-in Closet na Naglalaman ng Napakaraming Koleksiyon ng mga Mamahaling Sapatos

Swabeng-swabe naman talaga ang pormahan ng aktor, komedyante at TV host na si Vhong Navarro dahil sa kanyang kahanga-hangang kasuotan mula ulo hanggang paa. Hindi naman maitatanggi na malaki talaga ang hilig ni Vhong pagdating fashion. At makikita nga, na halos iba-iba ang suot niyang damit at sapatos tuwing papasok sa trabaho bilang host ng programang “It’s Showtime”.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Lingid sa kaalaman ng marami, ay sadyang mahilig pala talagang mangolekta si Vhong ng mga bagay na may kinalaman sa fashion. At isa nga ipinagmamalaki ng komedyante sa kanyang mga koleksiyon ay ang kahanga-hanga sa dami at naggagandahan sa pormang koleksiyon ng mga sapatos.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel   

Ang mas nakakamangha pa rito, kung ang ilang celebrities ay sapat na ang isang walk-in closet, si Vhong naman ay hindi pa nakontento sa isang silid lang, dahil ang kanyang walk-in closet ay umabot na sa dalawang palapag.
Sa latest vlog ni Vhong, ay may pa-house tour siya sa kanyang napakagandang bahay, ngunit ang higit na pagtutuunan ng pansin at pupukaw ng ating interes ay ang kanyang kahanga-hangang walk-in closet na nag-uumapaw sa dami ng sapatos. At sa unang pagkakataon ay masisilayan na ng kanyang mga tagahanga ang laman ng kanyang walk-in closet.



Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Pagpasok nga sa walk-in closet ng komedyante ay bubungad na agad ang napakaraming sapatos na tila hindi na mabilang sa dami. Ipinakita nga ng 43 taong na gulang na aktor ang kanyang mga paboritong sapatos at mga edition nito. Ilan nga sa mga ito ay Nickelodeon x Nike collection ng SpongeBob Squarepants, Patrick Star, at Mr. Krabs na disenyo. Marami rin siyang Disney and Nintendo collection, at ang ilang brand ng sapatos naman ay bigay sa kanya ng kompanyang pinag-eendorsohan.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

May mga personalized Nike ring sapatos si Vhong na hango naman sa kanyang karakter sa mga nagawa niyang pelikula tulad na lamang ng Gagamboy, Mr. Suave, at Agent X44. Kahanga-hanga rin ang collection ng mga mamahaling brand ng sapatos ni Vhong gaya ng Alexander Wang, Dior, at Louis Vuitton.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Makikita naman na halos lahat ng uri ng sapatos ay meron na si Vhong, mapa-basketball, pang-lakad at pang-porma. Kaya naman, maliban sa mga sapatos na nakadisplay sa estante, ay ginamit rin ng aktor ng espasyo ng hagdan patungo sa 2nd floor ng walk-in closet kung saan ay ginawa niyang drawer na lagayan ng sapatos ang bawat palapag.



Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Sa 2nd floor naman ng walk-in closet, maliban sa mga kahanga-hangang sapatos na nakadisplay, makikita rin dito ang collection ng mga mamahaling relo, eyewear at mga kasuotan ng aktor.
Talaga nga namang mapapa-sana all ka na lang sa dami ng kahanga-hangang koleksyon ng sapatos ni Vhong na daig pa isang botique.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments