BB Gandang Hari, May Rebelasyon sa Nakaraan nina Piolo Pascual at “Rustom” Padilla; Piolo, Nananatili paring Tahimik sa Isyu

Usap-usapan ngayon sa social media ang biglaang pagsisiwalat ni BB Gandang Hari sa nakaraan umano ng aktor na si Piolo Pascual at “Rustom Padilla”.



Marami nga ang nawindang sa rebelasyon ni BB dahil ang isyu pala na ito ay matagal nang naganap, at 19 taon na nga ang nakalipas ngunit ngayon lamang ito isiniwalat ni BB.

Ika-30 ng Agosto, nang idinetalye ni BB sa kanyang vlog ang mga kaganapan 19 years ago kung ano ang nangyari sa pagitan nina Piolo at “Rustom” sa San Francisco, California, matapos magkasama sa shooting ng pelikula noong 2001. Noong mga panahon na iyon ay 34 taong gulang si Rustom, samantalang si Piolo naman ay 24 taong gulang na kung saan ay talagang napakatagal na ngang panahon upang halungkatin pa.



Sa Vlog na pinamagatang “I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?” isiniwalat nga ni BB ang kanyang pasabog. Bagama’t idinaan ni BB sa Biblical characters na David at Jonathan ang mga karakter sa kanyang kwento upang huwag malaman ng publiko kung sino ang tinutukoy, tila naman sinasadyang mabanggit ni BB ang mga pangalang “Rustom at Piolo”. Dahilan upang isipin ng marami na ang kwentong binubuo ni BB ay siya ring karakter ni “Rustom” noon at ng aktor na si Piolo.

Wala ngang pinalampas na detalye si BB sa kanyang kwento at bawat detalye ay lakas-loob niyang isiniwalat kung ano ang namagitan kay Piolo at “Rustom” noon. Ang pangyayari ngang ito ay naganap sa San Francisco, California nang gumawa sila ng pelikula na Semana Santa 2001 kung saan nagkasama-sama sina Rustom, Piolo, Juday, Alice Dixson, Rosanna Roces, Rez Cortez, at Mat Ranillo III sa pagganap sa senakulong Kristo.

Matatandaan na, taong 2009 nang ibaon sa limot ni BB Gandang Hari ang dati niyang katauhan bilang si Rustom Padilla. At matapos nga magbago ng katauhan, ay nagtungo na si BB sa Amerika at ngayon nga, ay isa na siyang Uber driver sa nasabing bansa. Naging abala na rin si BB sa pagiging isang vlogger upang magbigay ng update sa kanyang buhay habang nakikipagsapalaran sa Amerika.

Ang vlog nga ang naging daan ni BB upang isiwalat ang matagal na niyang itinatago sa publiko. Ngunit, ano nga ba ang nais ipahiwatig ni BB, at sa tagal na panahon ay ngayon niya lang naisipang buksan ito sa publiko. Ano kaya ang motibo ni Bb Gandang Hari sa ginawa niyang ito?



Samantala, matapos namang isiwalat ni BB ang rebelasyong ito, nananatiling walang pahayag ang aktor na si Piolo. Mananahimik na lang kaya ang aktor matapos makaladlad ang pangalan niya sa naungkat na nakaraan?


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments