Teen Star na si Jillian Ward, Malapit na Matapos ang Ipinapagawang Dream House na Bunga ng kanyang Sipag at Tiyaga

Tunay nga na walang imposible sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay kapag sinamahan ito ng pagsisikap at pagtitiwala sa Diyos. Sa tulong nga ng sipag at tiyaga, anu man ang naisin natin sa buhay ay tiyak na makakamtan.
At kapag nakamit na ang bunga ng pagsisikap at pinaghirapan ay kakaiba namang kaligayahan ang hatid nito sa atin. Labis nga ang kaligayahan ng napakagandang teen star na si Jillian Ward, dahil ang kanyang pagsisikap sa trabaho bilang isang artista sa industriya ng showbiz ay nagbunga na.



Isa nga sa hinahangaad ng marami ay ang makapagpundar ng napakagandang bahay na magiging tahanan natin kasama ang ating pamilya upang magkasamang bumuo ng masasayang alaala. Tiyak na makakabuo na nga ng masasayang alaala ang pamilya ni Jillian dahil unti-unti ng nakukulayan ang pangarap niyang bahay para sa kanyang pamilya.

Photo credits: Jillian Ward | Instagram

Hindi naman lingid kaalaman ng marami na bata palang si Jillian ay pinasok na niya ang showbiz. Una nga nating nasilayan ang cute at maamo niyang mukha nang sumali sa contest ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines. At ngayon nga, ay isa na siya sa pinakasikat na teen star sa industriya ng showbiz.

Hindi naman maikakaila na malayo na ang narating na tagumpay ng dalagang aktres sa kanyang karera kung saan ipinamalas niya ang kanyang taglay na talento sa pag-arte. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na sa murang edad ay natupad na niya ang inaasam na dream house para sa kanyang pamilya. Sa edad nga na 15 taong gulang ay tila “happy and contented” na ang aktres sa kanyang buhay, dahil ang dream house para sa kanyang pamilya ay kasalukuyan ng pinapagawa at malapit na ring matapos.

Photo credits: Jillian Ward | Instagram

At kamakailan nga, ay proud na ibinahagi ni Jillian ang pinapagawang bahay na inilaan niya para sa kanyang pamilya. Sa Twitter, makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktres, na bagama’t hindi pa tapos ang pinapagawang bahay, ay mababakas na sa kanya ang excitement. Nagawa ngang umawra ng aktres sa ilang bahagi ng pinapagawang bahay.



Labis nga ang pasasalamat ni Jillian sa biyayang kanyang natanggap na bunga ng kanyang pagsisikap. Ang napakalaking bahay ngang ito, ay talagang pinag-iponan at pinaghirapan ng aktres upang maisakatuparan ang kanyang dream house.

Photo credits: Jillian Ward | Instagram

“Another blessing, almost done! Thankyou lord for everything. I`m genuinely so happy and inspired right now. ❤ #soon.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments