Kung paghahatid ng balita ang pag-uusapan, ang isa sa hinahangaan at pinagkakatiwalaang mamamahayag sa ating bansa ay ang broadcast journalist si Rhea Santos. Sa loob nga ng 19 na taon ay ipinamalas ni Rhea ang kanyang husay bilang reporter at host ng ilang programa sa GMA Network. Ilan nga sa mga programa na naging bahagi si Rhea ay Unang Hirit, Reporter’s Notebook, at Tunay na Buhay.
At dahil nga sa kanyang talento at kakayahan sa pagbabalita, ay ilang ulit na siyang nagkamit ng parangal. Ilan nga sa mga ito ay PMPC Star Awards for TV Best Morning Show Host para sa ‘Unang Hirit’ at PMPC Star Awards for TV Best Travel Show Host para sa programang ‘Pinoy Abroad’.
Ngunit, noong taong 2019, ay nagpasya si Rhea na magtungo sa Canada kasama ang kanyang pamilya upang mag-aral ng kursong Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology. Dito na nga ipinagpatuloy ang pagmamahal niya sa larangan ng pamamahayag. At tila nga, agad na naisakatuparan ni Rhea na agad makahanap ng trabaho kung saan magagamit niya ang kanyang propesyon.
Ika-2 ng Setyembre, nang masayang ibalita ng dating host ng Unang Hirit, ang magandang balita sa kanyang mga kababayan sa Pinas na isa na siyang ganap na news anchor sa isang news company sa Canada.
Sa Instagram ni Rhea, ay masaya niyang ibinahagi ang larawang kuha sa unang araw ng kanyang trabaho bilang broadcaster ng Canadian channel na OMNI Television, isang channel na inilaan para sa all-Filipino newscast nito. At gaya ng paghohost ni Rhea sa mga programa ng GMA noon, makikita na talagang napaka-professional ang dating nito.
“Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada.You will all meet the Filipino team of OMNI News in the coming days. It’s not only Filipinos and Fil-Canadian journalists making this possible. A big part are the Canadians and people of diverse backgrounds whom I’m given the opportunity to work with that make OMNI News Filipino Edition happen.”
Samantala, mapapanood naman sa isang video na mula sa Facebook page g OMNI Filipino, ang ilang mga reporter na bumubuo nito. Ito nga ay ibinahagi ng OMNI official page noong Setyembre 1.
At makikita nga sa video na kasamang maghahatid ng balita abroad ni Rhea, ay mga Filipino reporter ring tulad nya. Ilan nga sa mga ito ay sina Ron Gagalac at Marieton Pacheco na dating mga mamamahayag sa ABS-CBN at iba pang Pilipinong mamamahayag.
Tunay nga na kahit saang lugar man dalhin ng tadhana si Rhea, ay kanya paring dala-dala ang pagmamahal sa larangan ng pamamamahayag at pinatunayan na kaya niyang makipagsabayan sa ibang reporter kahit pa siya’y nasa abroad.
Source: Ptama
0 Comments